Thursday, April 28, 2011

Ang init!!!

Grabe ang init nitong mga nagdaang araw....kahit nakaupo ako eh tumatagaktak ang pawis ko ....kaya eto may sakit na naman ako...haaaysss...for almost a week na ang mala-trangkaso kong pakiramdam  sana lang matapos na ito kasi di na kaya ng powers ko...naisip ko lang bakit kaya may mga tao na nagtatanong kung ok ka lang kahit obviously nakikita nila na hindi ??? Manhid ba sila or nagbubulag-bulagan o sadyang ganun sila ka plastik at wala sila masabi kaya kahit na walang katuturan eh magsasalita sila for the sake na may sabi lang ...haaayyy minsan di ko na alam kung kaaawaan ko ang mga taong ganito. Ingat ka malay mo isa sa kanila ay katabi mo o di kaya isa sa mga tinatawag mong kaibigan.

Sunday, April 24, 2011

Pasko ng Pagkabuhay

Halos isang taon din ako nawala at ngayong Pasko ng Pagkabuhay muli akong nagbabalik upang harapin ang mga bagong hamon ng buhay..katulad ng paglisan ng akiong mahal na Ina. Tatlong buwan mula ngayon halos isang taon na ding pumanaw ang aking ina. Masakit at makirot ang sugat na iniwan ng kabanata na iyon sa buhay ko . Pagkatapos ng lahat, muli akong haharap sa mga panibagong hamon na dala ng tadhana ang buong misteryong itong kung tawagin natin ay BUHAY.

Nawa ay maging malakas at matapang tayong harapin ang mga darating na kabanata sa ating buhay.