Saturday, December 16, 2006

Saludo sa Pinoy

Maraming kuwento na ang naibahagi tungkol sa mga manggagawang pinoy sa ibang bansa. Kahit saan ka man mapunta tiyak na may makikita kang Pilipino na handang tumulong sa kapwa pinoy ...wika nga e sino pa ang magdadamayan kung hindi tayo-tayo din . Sa totoo lang hanga ako sa mga manggagawang pinoy sa ibang bansa. Matapang nilang hinaharap ang kalungkutan , hirap at pag-iisa kapalit ng ilang libong dolyar na maipapadala nila sa mga minamahal na naghihintay sa kani-kanilang probinsya. Sa kanilang mga sakripisyo , ako ay nagbibigay pugay sa mga manggagawang pinoy ...saludo ako sa tapang ninyo...saludo ako sa pinoy.



Ito ang Holy Rosary Church at dito nagsisimula ang ordinaryong araw ng Linggo para sa mga Domestic Helper . Pagpasosk mo pa lang ay makikita mo na puno ng mga Pinoy na manggagawa na sabay sabay nanalangin para sa isang pasasalamat . Ang banal na misa sa wikang ingles ay nagsisimula sa ganap na ika-walo at kalahati ng umaga .




Ito naman ang Three Exchange Square sa Central. Sa harap nito nagtitipon ang mga domestic helper sa buong araw ng Linggo. Bawat makasakay ko ay may kanya-kanyang bitbit na baon na kanilang pagsasaluhan sa maghapon. Bawat isa ay mayroon kanyang "agenda" sa araw na iyon may nagmamanicure, mayroong tumatawag sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas sa ibat't ibang dialekto., mayroong natutulog at nagbabasa ng mga pocketbook .


Isa ito sa dalwang truck na nagsisilbing tagapagpadala ng kanilang mga "balikbayan boxes" . Dito na din sa lugar na ito nila inaayos ang mga sari-saring laman ng kahon tulad ng mga bed covers, rubber shoes, lotion, shampoo, powder at iba pa. Merong taga-lagay sa kahon, taga-sara at tagalagay ng pangalan kung saan ipapadala pero hindi ko naitanong kung magkano ang singil nila sa ganitong serbisyo.

Magulo at maingay ang lugar halos mapagkakamalan mong nasa Pilipinas ka pero sa ganitong paraan nila nairaraos ang buong araw ng kanilang pahinga upang sa kinabukasan ay may bagong pag-asa na sisimulan para sa kanilang mga mahal sa buhay na umaasa sa kanila. Sa pag ihip ng hangin ng hapon na iyon habang ako ay pauwi muli ko silang nakasabay at sa kaibuturan ng aking puso buong yabang kong naibulong ...Pinoy ako ...saludo ako sa inyo.

Sunday, December 10, 2006

Hiling ng Puso

Simula pagkabata pinangarap ko na ang marating ang lugar na ito. Madalas ko iungot sa nanay at tatay ko ito pero di umubra at sa murang edad naipangako ko sa sarili ko na balang araw dadalawin ko ang lugar na ito. Halika at samahan ninyo ako .....




Ito ang "transit train" na naghatid sa akin ..malinis, maingay dahil sa sandamakmak na bata ang kasabayan ko at higit sa lahat masaya at puno ng hagikgikan ng munting mga tinig ng mga bata.






Pagdating doon namangha ako sa lawak na lugar na ito ...sa labas pa lang ito ha..hehehehe...mukhang napasubo ako sa mahaba-habang lakaran dito.





Kilala nyo ba siya??? Siya ang bida sa araw ng parada...nagmistula akong bata na tumatalon at humihiyaw sa pagkakita ko pa lang sa kanya sa unahan habang sumasayaw ang mga "ground dancers" . Meron din akong larawan na kasama niya promise!!!




Ang train na ito ay umiikot sa lawak ng lugar ...sarap sumakay dito ...nakatulog kasi ako dahil halos tatlong biyahe ang katumbas sa tagal ng tulog ko marahil sa pagod .





Ito ang kastilyo ni Cinderella ..ang ganda di ba? Ganito ang hitsura nya sa umaga ngunit nagbabagong anyo ito pagdating ng gabi...tadaaaaaaa....



Napapalakpak ako at nagmistulang bata sa pagkamangha at tuwa kasabay ng paghiyaw ng malakas. Hindi ko napigilan ang sarili ko ...i was carried away ....ang ganda di ba? Tumagal din ng mga tatlumpong minutong ang fireworks display .

Gabi na ng makauwi ako pagod at masakit ang paa ko sa mahaba at maghapong paglalakad ngunit puno ng munting kaligayahan na tulad sa isang batang paslit ang aking puso. Nakatulog ako agad ngunit para bang muling nagbabalik lahat sa aking isip ang masayang araw na ito sa buhay ko.

Saturday, December 09, 2006

Ulap

Nabanggit ko noong nauna kong post na medyo nagbakasyon ako kaya wala akong update ...nag-ipon baga ng mga kuwento...kuwentong tulad nito.
Malayo ang narating ko at tulad ng dati maraming bagay ang nakakuha ng atensiyon ko tulad ng mga ulap sa langit . Minsan naisip ko ano ba kaya ang mararamdaman kung nasa ulap ako , ano kaya ang klima dun , malamig kaya o mainit. Haaayyy ang sarap siguro kung lahat tayo ay maaabot ang ulap marahil iyon din ang basehan ng madalas nating marinig na expression "parang nasa ulap ang pakiramdam".



Payapang ulap di ba...buti pa ang mga ulap mukhang laging payapa at walang gaanong problema bukod na lang siguro kung may nagbabadyang sama ng panahon nagiging kulay abo at tipong malungkot ang dating...pero sa oras na ito payapa at maaliwalas ngayon.

Mukhang nagbabago na ang lagay ng ulap na ito....di kaya may bagyo??? Nagsimula na atang maging matamlay...sana huwag muna umulan kasi hindi pa ako nakakauwi .





Ito ang ulap na hugis isda o eroplano ba ....kakaaliw masdan para kasing lumulundag e. Sarap siguro sumakay sa likod ng ulap na ito.... kayo anu sa palagay ninyo???

Wednesday, December 06, 2006

Tadaaaaaaa!!!!

Nagbabalik po ang inyong abang lingkod ...haaayy simula ng bagong linggo as usual nakakatamad wag naman po sana isipin na ako ay tamad at batugan dahil kung tutuusin e ngayon lang ako nagbakasyon ng medyo mahaba. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko??? Ewan ko hindi ko din alam e...marahil nasobrahan sa bakasyon (hehehehe) . Naku nadulas tuloy ang byuti ko buking na ako ay nag liwaliw pero di bale sa susunod na mga araw ibabahagi ko sa inyo ang tungkol dito. Pinipili ko pa ang magagandang larawan na nakuha ko para naman kahit paano ay may magtiyagang magbasa dito . Sana magistuhan ninyo ang susunod kong kwento .

Wednesday, November 29, 2006

Tag ng isang Houseband

Tagged by a cool houseband
Ang hirap nito.....pero subukan ko na din ....:)

3 things that scare me
Getting angry Wrinkles Bad cholesterol ( hehehehe)


3 people who make me laugh
Arvin Mai Art

3 things I love
Family Music & movies Chocolates

3 things I hate
Memorization Ringing telephones Bad mouths

3 things I don't understand
Men Math Musical notes

3 things on my desk
O2 Mirror Hershey's kisses

3 things I'm doing right now
Texting Surfing the net Scribbling notes

3 things I want to do before I die
Travel to Paris Visit a chocolate factory Harvest grapes in a vineyard

3 things I can do
Carry a tune Clown for a day Nanny

3 things I can't do
Chew gum Smoke Corpse

3 things I think you should listen to
Your heart Giggling laughter Silence

3 things I'd like to learn
Skateboarding Hand Puppeting Dressmaking

3 favorite foods
Chocolates (any kind) kare-kare Tortang talong

3 beverages I drink regularly
Water Ice tea less ice Coffee

3 shows I watched as a kid
Bagong Kampeon Student Canteen Saturday Night Live

3 people I will tag
Iskoo Senor Enrique Cruise

Thursday, November 16, 2006

Agam-agam

Matagal din akong hindi nakapagsulat marami kasi akong iniisip sa mga panahong ito tulad ng sitwasyong pampulitika ng bansa, antas ng pamumuhay sa Pilipinas, lindol, bagyo, tag-gutom, at iba pang uri ng kalamidad. Nakakalungkot isipin na isang araw sa mahabang panahon ng aking buhay ay iiwan ko ang bayang aking sinilangan.
Madaming papel ang dapat asikasuhin nakakatuliro na kung minsan bukod sa oras ko sa trabaho na sa tuwina ay lagi ng puno ang araw ko sa mga dapat kong gawin ay halos ganoon na din kaabala ang aking sabado at linggo. Sa pagdaan ng mga araw parang may bahagi sa puso ko ang nalulungkot dahil maiiwan ko ang mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan at mga kasamahan sa opisina sa aking pag-alis. Alam kong marami akong babalik-balikan sa aking alaala tulad ng masasayang, kaarawan, ang mga himig Pasko, ang magkahalong lumbay at init ng tag-araw at ng semana santa, ang maingay na trapik , ang madalas na pag-ulan sa buwan ng pagsisimula ng klase sa mga paaralan....mga alaalang babaunin ko sa aking puso.
Maraming agam-agam ang kinabukasan nakatakda kong harapin. Nangingilid man ang luha at pilit ko mang inaalo ang aking sarili mahina kong naibulong ...KAYA KO ITO!

Monday, October 30, 2006

Bohol...I LOVE!!!!

Haaaayyyyyyy...ang saya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagbakasyon sa isa sa mga tinuturing na "tourist spot" sa Pilipinas...BOHOL. Nakakatuwa dahil sa pagtungo ko doon madami akong nakasabay na m ga turista na nagpapatunay na sadyang maganda ang ating bansa. Nais kong ibahagi sa iyo ang ilan sa mga magagandang tanawin na bumihag sa akin.






Isa ito sa mga tanawing tinatawag kong "life's simple pleasures" para sa akin ang masilayan ko ang paglubog ng araw .






Malakas na alon habang sakay ng mabilis na fastcraft isang uri ng sasakyang pandagat mula Cebu hanggang Bohol. Malinaw na tubig dagat na nagmistulang parang bula sa mabilis na pagtakbo nito.



Ang Hinagdanan Cave ang nagmistulang tahanan para sa mga nocturnal tulad ng paniki . Isa ito sa mga paboritong destinasyon ng mga turistang Koreano, Amerikano, at iba pa na nakasabay ko dahil nagkaroon pa ng trapik sa pagbaba at pag akyat sa kuwebang ito.




Baclayon Church...ang pinakamagtandang simbahan na itinayo pa noong 1824 , dito din matatagpuan ang pangatlong pinakalumang bamboo pipe organ .





Tarsier ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo . Mabait sya kasi gusto lang nyang tumingin at kumapit sa mga punong tulad nito. Nakakaaliw talaga .




Ang Loboc River ...ito ang pinakamasayang lugar para sa akin. Madami pa din turistang nabighani dito . Sa dulo nito ay matatagpuan mo ang mini waterfalls na nasa ibaba.





Sa lugar ding ito umiikot ang floating restaurant na tumatahak sa kahabaan ng Loboc River . Buffet style ang masaganang tanghalian na inihain sa amin habang ninanamnam namin ang kagandahan ng tanawin at ng mga ulam tulad ng sinugbang isda, pinakbet, seaweed salad, suman, pinya , pakwan at iba pang kakanin.

Ang pinaka sa mga pinaka...ang Chocolate Hills. Wala na siguro akong dapat sabihin sa puntong ito . Sapat na ang larawang ito para masabi mong....ang ganda ng PILIPINAS!!! Sa susunod sana makasama kayo......tara na at biyahe na.



























































































































Monday, October 16, 2006

To DVD or Not to DVD

" Haaayy weekend , ano kaya ang magandang panoorin sa DVD?

Ito ang karaniwang naririnig ko sa mga kasama ko sa opisina. Alam kong hindi lang sila ang may ganitong mga dialog pag sumasapit na ang weekend or ang isang mahabang bakasyon . Ako ay minsang napadpad sa sa isang lugar sa Quiapo kung saan ang talamak na bentahan ng mga piratang Digital Video Disc (DVD) ay mistulang mga kabute na tabi-tabi ang stall sa lugar na iyon . Halos karamihan t sa mga ito ay mga negoyasteng kapatid natin na nagmula sa Mindanao na pilit na naghahanap ng mas magandang kabuhayan sa Maynila kaysa sa manatili sa kanilang lugar na karamihan ay nasira na dahil sa mga aksyong militar na naganap noong mga nakaraang buwan. Namangha ako sa aking nakita dahil kahit saang sulok ako tumingin ay mayroon nagbebenta nito wika nga nila ay "take your pick ".

Alam kong hindi makakatulong ito sa ekonomiya at lalo na sa industriya ng pelikula pero masasawata ba ng tuluyan ang ganitong uri ng kabuhayan lalo na at ito lamang ang alam nilang pwedeng gawin na sa palagay nila ay marangal naman kaysa sa ang maging magnanakaw o di kaya ay maging holdaper. Sa aking palagay hindi ko sila masisi dahil tulad ng bawat isa sa atin mayroon din silang mga pamilya na umaasa sa kanila, na kapag hindi sila kumayod at nagtrabaho ay tiyak na gutom ang aabutin . Aba ay sa tototo lang isa ako sa mga parukyano na tumatangkilik sa mga DVD nila. Dati kasi wala pa nito e at saka hindi ko pa alam ang pasiokot-sikot sa Quiapo na sinsadya ng karamihan para bumili ng mga piratang pelikula. Sa halagan ochenta pesos aba ay kumpleto na ang mga tagalog na love story na naipalabas na sa sinehan , DVD copy na ika nga. Kailangan mo lang ng isang mapanuring mata upang mahusgahan ang kalidad ng mabibiling mga kopya dahil madalas ay sira ang pelikula sa bandang huli, yung tipong bigla na lang magkakaroon ng mga square , hindi mo na makukuha pang magreklamo sa lagay na yon dahil mura mo naman itong nabili.

Ganun pa man patuloy pa din akong bumabalik at sinusuyod ko ang mga kabuteng tindahan doon upang hanapin amg mga pelikulang hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapanood sa "big screen" . Halukay dito at halukay doon ( hehehehe!) buti na lamang di nagagalit si ate at si manong dahil "suki" ako e. Para sa isang adik sa pelikulang tulad ko pakiramdam ko ay nasa langit ako pag andun ako huwag lang akong masalisihan ng mga mabilis ang kamay (minsan na akong nadale dito kaya ingat po!) sa lugar na yon . Payong kapatid lang kung di ka sanay magpunta sa ganoong lugar ay huwag mo ng subukan dahil baka luhaan kang uuwi sa inyo

Ikaw sa palagay mo, to DVD or not to DVD?










Wednesday, October 04, 2006

The Basics of Cash Flow

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang liham mula sa isang kaibigan actually forwarded messages na ito pero sa aking opinyon e dapat kong i-post dito at umaasa akong kahit paano ay makatulong ..ika nga e something for you to think about. Read on...

BASIC: What pattern do you see if youwill get a P100.00 bill and monitor where and how it is transferred from 1 possessor to the other? How does it flow?

The pattern for a typical Pinoy is. You earn from your work, you spend it on food, gadgets, clothing and other basic needs before you reach the next payday, paubos na yung pera mo but that's ok payday is just a few days ahead and it doesn't matter if I run out of money, I am expecting money again any time soon. This cycle goes on and on and you make some sidelines or create other ways to earn but it seems that money was never enough though i am tempted to explain further pero usapan... basics lang. So you can't leave the job that you have because a week without work would affect the cash flow you have to support your family and needs. As much as you wanted to accept another job, the gap would make your pay less for a couple of days, which makes you a slave to your boss. The rationale is at least, you have a job to support your basic needs.

ILLUSTRAION: Cash is flowing inside your pocket. Years have gone by doing your monotonous routine. Question... what if you get fired? Or you were forced to retire because there are new and younger people ready to take your place. What would you do? As an OFW, Makati Executive, Top Salesman, Engineer, Attorney, Teacher, etc... What if it all ends? The sweet cash that enters your pocket every 15 th and 30th suddenly comes to a halt. There are two things you can buy with your money.

DESCRIPTION: An asset and a liability. To describe each... An asset brings money inside your pocket; a liability takes money out of your pocket . Another way to see, it is that an asset if you buy one, will bring the money you spent for it back to you 2 or 3 folds. A liability, when you buy it will not give your money back at all. Sa ilocano: idjay ti kwa... djak maawatan! (joke lang po, seryoso na kayo> eh...) Sa madaling salita, kapag asset, maibabalik ang pera... pag liability, goodbye sa pera. Ang problema kay JUAN DE LA CRUZ, habang may trabaho ipon ng ipon at bili ng bili ng liability! I have seen OFWs get back to the country with gold chains at kung pwede lang> limang shades ang isuot ng sabay-sabay gagawin nya eh... dvd, component,> jackets, clothes, inuman, pulutan, party, pabango... hindi na makalakad sa dami ng bitbit. At s'yempre mga empleyado natin dito sa bansa na lingo-lingo bago cell phone at mags ng kotse.. hindi na nga magkasya ang damit sa aparador, tapos pag umaga sasabihin... wala na akong maisuot. Guys, esep-esep... what you bought... will it bring money back to you? I know what you have in mind... you have to enjoy what you worked hard for. That's right, but think of something that will last... think of your future. I have seen the worst of people who were abogado de kampanilya, executive secretaries of top rank business men, people who worked for big companies, earned a fortune and got a big retirement pay by the millions... Now... Wala na. Why? Because of their cash flow... went in... went out. I need not to mention basketball players, actors, singers, etc... Check what is their career path... next after acting, singing and playing... POLITICS. Kasi, 'yung million na kinita nila, puro liability ang binili. Going back... all the liability they bought, ibinenta ng mura! I'm wearing agold chain now, which I got from a seaman... he bought it for P35,000 and sold it for 8,000 to me. Hindi po asset ang alahas! Bakit? Totoo na tumataas ang value n'ya pero kapag gutom ka na, kahit palugi ibebenta mo! (wala bang aaray?) Cell phones... dvd players etc. pati bahay at kotse... that's the cash flow of most OFWs. The question is... "WHAT IF THE INCOME STOPS?" Sa Pinoy, ganito: anak... mag-aral kang maigi, at pag tanda namin... ikaw na> bahala sa amin ha?. Hindi po ba maling-mali. You have to establish something today that will take care of your future. Teka, teka... eh ano ang dapat gawin para hindi mangyari yan? You must create a source of income that will continually make money flow inside your pocket. Start a business! While you are working as an executive or an OFW, or a professional... START A BUSINESS and MASTER that business till you get out of that company. Para kapag tumigil ang income mo sa kanila... may susuporta pa din sa iyo hanggang pag-tanda mo! Now don't tell me to invest my money on pensions and plans... NO WAY! Narinig n'yo na siguro yung... Naku ayaw ko na magbanggit! 'yung mga nagbayad at hindi nakapag-claim... sila pa ang dinimanda at nag-piyansa!!! HUWAG MO I-ASA ANGPAGTANDA MO SA IBA! GUMAWA KA NG SARILI MONG BALON NG PERA! KAHIT MALIIT PA 'YAN, SARILI MO AT HINDI KA AASA SA IBANG TAO! Imagine yourself when you reach an older age... (aruy ko,,, baka yung iba sa> inyo about that age... tabi tabi po... Ako po sa mga nagtatanong... I'm 37 years old. Naabutan ko pa si Michael Jackson at hinele po ako ng nanay ko sa mga kanta ng hagibis!). You have money that the company gave you as your retirement pay... what will you do? You can consume the money till your old... eh kung hindi umabot? Masamang damo ka pala... at hindi ka kaagad kinuha ni Lord. Eh pang age 65 lang yung naipon mo na budget. Or maybe, you can start a business and use the money for capital... Kapatid... 9 out of 10 businesses, FAILED! yung isang magsa-succeed, gagayahin pa ng kapitbahay mo instead na mag-franchise sa 'yo... think! At age 50, you are struggling trying to make a business work! What if it fails?! Eh ano nga ba ang sagot? The answer is, stop buying liabilities and instead buy assets now. I don't care if it is a banana-Q store, balot, ice candy or a sari-sari store, etc... start now! Because, your experience here will teach you what to do in the future. It's so hard to struggle in business when you are 60 yrs old. You have to create a source of income separated from the source of income from your work. That when the time comes that you have to stop working, you will have your own source of money! Create assets, start a business that will be there to support you and your family. I AM NOT TELLING YOU TO QUIT YOUR JOB! I'm telling you to start a business while you're working and stop spending your money on liabilities and start putting them on assets! Ang pera kapag pinambili mo ng LIABILITY... hindi na babalik! ang ASSET... BABALIK. Teka... masama ba bumili ng mga magagandang gamit? Hindi! Siguraduhin mo lang na> ang pambili mo nun ay galing sa asset mo. The business has to be prioritized!Mawalan ka man ng trabaho, may negosyo kang palalaguin. If before, nabubuhay ka naman ng iisa sapatos mo, huwag mo baguhin 'yun... dati,nagdyi-jeep ka lang... 'wag ka na munang mag-FX. Create assets and lessen liabilities. Invest and learn now... mag-negosyo! Eh anong negosyo? Any, as long as you think it is work and doable! I am still looking for partners for my HOME MASSAGE SERVICE! SPA MAGIC! And my business CAR MAGIC is still franchising... (joke lang... baka sabihin nyo nag pro-promote lang ako eh... But I AM PROUD TO SAY THAT ALL MY BUSINESSES ARE ORIGINAL AND ALL ARE GRAND ASSETS! I started all my businesses with a very small capital. If I used that money to buy a gadget, new shoes or any liability... baka wala lahat ng negosyo ko at> wala na akong makain ngayon. Again, I hope that this BASIC CASH FLOW article helps... I wish all of us become financially free!

FROM UNKNOWN AUTHOR

Friday, September 15, 2006

Alimango, Talong at Iba pa!!!

Ewan ko ba ngayong araw na ito ay mabigat ang katawan ko..naisip ko hindi kaya nasobrahan na ako sa kakatrabaho?? Hmm ...matagal na naman akong ganun e multi-tasking as in super sa over na hehehehe. So naisip ko kailangan kong mag relax ngayon ...paano at anu kaya ang gagawin ko? Naku marami , nag-iisip pa lang ako e di na kasya sa isip ko mga dapat kong gawin ngayong araw na ito...teka ibahain ko na lang muna para hindi muna ako mapagod...eto muna ang iiisipin ko ....

Fresh talong ito galing sa probinsya mukhang masarap ..di ba? Madalang kasi ang ganitong "bilog" na talong sa Maynila...kaya nakaka-aliw kapag nakakakita ako ng ganito. Anu kaya ang magandang "partner" nito? Hmmmm..

Wow..ito na un...ang "partner" bow hehehehe! Masarap ito..gawa ito sa hipon , merong luya, at mantakin mo kanin? Opo kanin as in "rice" ...buro style..sarap! Tikman nyo!!

Ito kaya? Sugpo..masarap din ito di ba?? Anung luto kaya ???Hmmm...isipin ko pa !!!

Mind you...ngayon ko lang nalaman na meron palang "bakla" na alimango..hmmm ..meron kaya syang malantik na sipit? hehehehe...wild di ba??

Mukhang madami na ito para pag isipan ko kung anung gagawin ko ....kelangan ko na lang ang aking pagka malikhain para may magawa akong kakaiba ngayong araw na ito. Sana kayo din!

Wednesday, September 13, 2006

"BER" na!!!

Simula na ang mga buwan na nagtatapos sa "BER"....sabi nila kapag dumadating na ang ganitong panahon nagiging masaya na ang "mood" ng mga tao...malapit na kasi ang Pasko. Amoy pinipig na nga daw sabi ng lola ko nung nabubuhay pa siya.

Kay bilis ng panahon...parang kailan lang ay bagong taon ngayon ay palapit na ang Pasko. Tulad din ng buhay ng mga tao mabilis na lumilipas kung noon ay malusog at maliksi ang mga kilos natin ...mga ilang panahon pa ay unti-unting babagal at makaramdam na tayo ng pagkapagod pero sa kabila nito ay tuloy pa din ang daloy ng buhay. Maraming dalang masayang alaala ang mga "BER" sa ating buhay ... isang dahilan ito para ngumiti ka kapag nalulungkot ka o di kaya ay kapag napapagod ka na at gusto mong magpahinga...tulad ng ginagawa ko ngayon. Hayaan ninyong isa ako sa mga unang babati sa inyo ng isang Maligayang Pasko!!!

Masyado bang maaga? Palagay ko ay hindi kasi para sa akin araw-araw ay Pasko.... sa puso ko.

Monday, August 14, 2006

Life That matters.....A reflection

Naalala ko ung isang commerical sa TV ..sabi nya birthday ko ngayon!!! Tapos lahat ng makasalubong niya ay bumabati sa kanya ng "happy birthday". Masayang kabanata ng buhay natin ang araw nag ating kapanganakan. Minsan naitanong ko sa sarili ko ..what is the meaning of life...my life? What matters in my life??

Sobrang hirap na tanong para sa akin pero in my own little way ay unti unti kong sasagutin. Mula ng bata ako ay naituring na ako na isang "maswerteng" bata. Yan ang "label" na kinalakihan ko. Alam ko sa sarili ko na ako ay sadyang mapalad dahil nagkaroon ako ng buhay na hindi naman sagana ay sapat lang at maayos. Mapalad din ako dahil mayroon akong mga magulang na handang magbanat ng buto upang maigapang ang pag-aaral ko at ng tatlo ko pang kapatid. Kung magbabalik tanaw ako sa buhay ko masasabing kong tama sila. Maswerte nga ako !!!

As i walk through the path of life let me share with you a few stanzas of very interesting poem that guides me in my everyday existence.

" Whether you are ready or not; someday your life will come to an end.
There will be no more sunrises, no minutes , hours or days.
All the things you collected wether treasured or forgotten, will pass to someone else.
Your wealth, fame and temporal power will shrivel to irrelevance.
It will not matter what you owned or what u owed.
Your grudges , resentments, frustrations and jealousies will finally disappear.
So, too your hopes, ambitions, plans and to-do lists will expire.
The wins and losses that once seemed so important will fade away.
It wont matter where you came from, or on what side of the tracks you lived at the end.
It wont whether you were beautiful or brilliant, even your skin color will be irrelevant.
So what will matter? How will the value of your days be measured?
What will matter is not what you bought but what you built; not what you got but what you
gave. What will matter is not your success, but your significance. What will matter is not
what you learned, but what you taught.
What will matter is every act of integrity, compassion, courage or sacrifice that enriched,
empowered, or encouraged others to emulate your example.
What will matter is not your competence but your character. What will matter is not how
many people knoew but how many will feel a lasting loss when you are gone.
What will matter is not your memories but the memories that live in those who love you.
What will matter is how long you will b e remembered and for what.
Living a life that matters doesnt happen by accident. Its not a matter of circumstances but of
choice. Choose to live a life that matters."