Saturday, December 16, 2006

Saludo sa Pinoy

Maraming kuwento na ang naibahagi tungkol sa mga manggagawang pinoy sa ibang bansa. Kahit saan ka man mapunta tiyak na may makikita kang Pilipino na handang tumulong sa kapwa pinoy ...wika nga e sino pa ang magdadamayan kung hindi tayo-tayo din . Sa totoo lang hanga ako sa mga manggagawang pinoy sa ibang bansa. Matapang nilang hinaharap ang kalungkutan , hirap at pag-iisa kapalit ng ilang libong dolyar na maipapadala nila sa mga minamahal na naghihintay sa kani-kanilang probinsya. Sa kanilang mga sakripisyo , ako ay nagbibigay pugay sa mga manggagawang pinoy ...saludo ako sa tapang ninyo...saludo ako sa pinoy.



Ito ang Holy Rosary Church at dito nagsisimula ang ordinaryong araw ng Linggo para sa mga Domestic Helper . Pagpasosk mo pa lang ay makikita mo na puno ng mga Pinoy na manggagawa na sabay sabay nanalangin para sa isang pasasalamat . Ang banal na misa sa wikang ingles ay nagsisimula sa ganap na ika-walo at kalahati ng umaga .




Ito naman ang Three Exchange Square sa Central. Sa harap nito nagtitipon ang mga domestic helper sa buong araw ng Linggo. Bawat makasakay ko ay may kanya-kanyang bitbit na baon na kanilang pagsasaluhan sa maghapon. Bawat isa ay mayroon kanyang "agenda" sa araw na iyon may nagmamanicure, mayroong tumatawag sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas sa ibat't ibang dialekto., mayroong natutulog at nagbabasa ng mga pocketbook .


Isa ito sa dalwang truck na nagsisilbing tagapagpadala ng kanilang mga "balikbayan boxes" . Dito na din sa lugar na ito nila inaayos ang mga sari-saring laman ng kahon tulad ng mga bed covers, rubber shoes, lotion, shampoo, powder at iba pa. Merong taga-lagay sa kahon, taga-sara at tagalagay ng pangalan kung saan ipapadala pero hindi ko naitanong kung magkano ang singil nila sa ganitong serbisyo.

Magulo at maingay ang lugar halos mapagkakamalan mong nasa Pilipinas ka pero sa ganitong paraan nila nairaraos ang buong araw ng kanilang pahinga upang sa kinabukasan ay may bagong pag-asa na sisimulan para sa kanilang mga mahal sa buhay na umaasa sa kanila. Sa pag ihip ng hangin ng hapon na iyon habang ako ay pauwi muli ko silang nakasabay at sa kaibuturan ng aking puso buong yabang kong naibulong ...Pinoy ako ...saludo ako sa inyo.

8 comments:

Iskoo said...

totoo yan kahit saaan ka pumunta may pinoy! ganyan ka versatile ang pinoy kayang makibagay mapa puti, itim, o kayumanggi, kayang mag survive at mag blend sa ibang lahi. gustong gusto nila ang serbisyo natin mapa expat or dh. kaya saluto ako sa mga pinoy na nag ta trabaho sa ibang bansa na nagtataguyod ng pamilya nila sa pinas at pati narin ang pinas mismo na nakikinabang sa dolyares na pinapasok ng mga ofw :)

abet said...

iskoo,

tunay ka diyan...yung isa nga e sagot sa tanong ko kung anu trabaho nya....an innocent question para sa akin ...sabi nya DH lang...sabi ko naman aba ate wag mo i-LANG yang trabaho mo ksi kayo ang bumubuhay dun sa atin sa pinas. matipid na ngiti ang sukli nya sa akin...

Señor Enrique said...

Saan kuha itong mga litrato, Basey? Anong bayan at siyudad ba ito? Nakakalungkot na nakakatuwa pagmasdan, no?

abet said...

eric,

sa Central po iyan sa HK ...nakakalungkot nga na nakakatuwa kasi yung iba kong nakita dun e mga bata pa pero DH na. haaaayy

Señor Enrique said...

Wishing you a HAPPY CHRISTMAS, Basey!

houseband00 said...

Merry Christmas, Basey!!!! =)

Anonymous said...

kaya di na rin nakaka homesick mga pinoy sa HK kasi kapag linggo nagtitipon tipon sila sa isang lugar sa HK. masaya, parang may picnic sa ayala avenue:)

Iskoo said...

Peace in your heart
Warmth in your soul
Contentment in your life
Joy in your home
May you always be blessed with these priceless treasures!
Happy New Year to you and your family!