Simula pagkabata pinangarap ko na ang marating ang lugar na ito. Madalas ko iungot sa nanay at tatay ko ito pero di umubra at sa murang edad naipangako ko sa sarili ko na balang araw dadalawin ko ang lugar na ito. Halika at samahan ninyo ako .....
Ito ang "transit train" na naghatid sa akin ..malinis, maingay dahil sa sandamakmak na bata ang kasabayan ko at higit sa lahat masaya at puno ng hagikgikan ng munting mga tinig ng mga bata.
Pagdating doon namangha ako sa lawak na lugar na ito ...sa labas pa lang ito ha..hehehehe...mukhang napasubo ako sa mahaba-habang lakaran dito.
Kilala nyo ba siya??? Siya ang bida sa araw ng parada...nagmistula akong bata na tumatalon at humihiyaw sa pagkakita ko pa lang sa kanya sa unahan habang sumasayaw ang mga "ground dancers" . Meron din akong larawan na kasama niya promise!!!
Ang train na ito ay umiikot sa lawak ng lugar ...sarap sumakay dito ...nakatulog kasi ako dahil halos tatlong biyahe ang katumbas sa tagal ng tulog ko marahil sa pagod .
Ito ang kastilyo ni Cinderella ..ang ganda di ba? Ganito ang hitsura nya sa umaga ngunit nagbabagong anyo ito pagdating ng gabi...tadaaaaaaa....
Napapalakpak ako at nagmistulang bata sa pagkamangha at tuwa kasabay ng paghiyaw ng malakas. Hindi ko napigilan ang sarili ko ...i was carried away ....ang ganda di ba? Tumagal din ng mga tatlumpong minutong ang fireworks display .
Gabi na ng makauwi ako pagod at masakit ang paa ko sa mahaba at maghapong paglalakad ngunit puno ng munting kaligayahan na tulad sa isang batang paslit ang aking puso. Nakatulog ako agad ngunit para bang muling nagbabalik lahat sa aking isip ang masayang araw na ito sa buhay ko.
4 comments:
ang ganda ng fireworks, you have captured it well sa photo! pa enlarge mo at pwedeng gawing display..
congrats at natupad din pangarap mo, sobrang tagal na hulikong pumunta dyan, wala pa yang disney land, ngayon pangarap ko rin na makabalik dyan :)
iskoo,
nice fireworks i swear...tara punta tayo uli samahan kita hehehehe!
ako nalang samahan mo, hehe.
sino ba di liligaya kung ganyan ka ganda ang papasyalan mo! congrats, kelan ko kaya mararating ang disneyland?
Wowowee! =)
Ganda naman doon. Sana madala ko rin ang anak ko sa Disneyland. =)
Maligayang pagbalik! =)
Post a Comment