Saturday, December 09, 2006

Ulap

Nabanggit ko noong nauna kong post na medyo nagbakasyon ako kaya wala akong update ...nag-ipon baga ng mga kuwento...kuwentong tulad nito.
Malayo ang narating ko at tulad ng dati maraming bagay ang nakakuha ng atensiyon ko tulad ng mga ulap sa langit . Minsan naisip ko ano ba kaya ang mararamdaman kung nasa ulap ako , ano kaya ang klima dun , malamig kaya o mainit. Haaayyy ang sarap siguro kung lahat tayo ay maaabot ang ulap marahil iyon din ang basehan ng madalas nating marinig na expression "parang nasa ulap ang pakiramdam".



Payapang ulap di ba...buti pa ang mga ulap mukhang laging payapa at walang gaanong problema bukod na lang siguro kung may nagbabadyang sama ng panahon nagiging kulay abo at tipong malungkot ang dating...pero sa oras na ito payapa at maaliwalas ngayon.

Mukhang nagbabago na ang lagay ng ulap na ito....di kaya may bagyo??? Nagsimula na atang maging matamlay...sana huwag muna umulan kasi hindi pa ako nakakauwi .





Ito ang ulap na hugis isda o eroplano ba ....kakaaliw masdan para kasing lumulundag e. Sarap siguro sumakay sa likod ng ulap na ito.... kayo anu sa palagay ninyo???

5 comments:

houseband00 said...

Hi Basey,

Kakatuwa naman ang mga yan. Nakakaantok pati. =)

Welcome back!

Iskoo said...

sea of clouds, ganda talaga. oo nga nakaka miss. pero talagang binitin mo kami... bukas na bukas dapat may update na ulit dito, hahaha. joke. suspense ah!

abet said...

HB,

waaaa sori niantok ka tuloy...pero ok lang kasi malamig naman e sarap matulog kasi umuulan.

abet said...

iskoo,

waaaaaa di ka naman pala masyado demanding hehehehe....sayang mas type ko kung demanding hehehehe

Anonymous said...

sino ba di makakakilala kay mickey, ang ganda siguro na makita sya na sumasayaw. noong maliliit pa kami merong bigay sa amin na stuff toy na mickey pang display lang pero gustong gusto namin :)