Ang bilis lumipas ng panahon tingnan mo nga naman at buwan na naman ng kaarawan ko at kapag ganitong mga panahon ay nagbabalik tanaw ako sa lahat ng nangyari sa aking buhay at tulad ng dati di ko maiwasan ang pagdaloy ng nangingilid kong mga luha kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa bubungan nag aming bahay.
Matagal din ang naging tagtuyo sa bansa at sinagot ang ating panalangin para sa ulan. Dumating si Chedeng at habang papaalis siya ay dumating naman si Dodong. Sana maging maganda naman ang maging bunga ng mga ulan na ito sa ating mga pananim at karagdagang patubig sa ating mga dam.
Sa buhos ng ulan, muling sumagi sa isipan ko ang mga pangyayari sa buhay ko nitong nagdaang panahon. Mga pagsubok sa personal na buhay, sa trabaho, sa mga kaibigan, sa pakikipag relasyon, sa krisis sa pamilya...ahhhh marami-rami na din pala ang napagdaanan ko. Heto sa awa ng Poong Maykapal , nakatayo pa din at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.
Para sa mga taong nakadaupang-palad ko , sa totoong buhay man o sa virtual na mundo, masaya akong mapasyal sa mga bahay ninyo. Hindi man ninyo naitatanong ay naging bahagi din kayo ng buhay ko at sa aking pamamasyal ay unti-unti kong binabasa ang bawat isa sa inyo. Salamat sa pagkakataong ibinigay ninyo.
Para sa mga taong di ko gaano napasaya, mga taong nagalit at nainis, salamat din sa inyo dahil sa lahat ng ito ay unti-unti ko ding natutunan na marami din pala akong kayang gawin tulad ng mas malalim ng pang unawa . Salamat sa bagong aral na naituro ninyo.
Hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya ko...di ko din masabi kung kakayanin ko ito hanggang huli pero isa lang ang masasabi ko....SALAMAT . Isang buong pusong pasasalamat ang aking alay para sa KANYA.... salamat sa makahulugang buhay na ipinahiram ninyo. Kalakip ng pasasalamat na ito ang panalangin sa patuloy na pag gabay sa landas ng buhay.
5 comments:
akala ko ako lang dumaan sa matinding pagsubok sa buhay. siguro nga lahat naman may kanya kanyang challenges sa buhay. basta kahit ano mangyari tuloy na tuloy pa rin ang buhay (at blogging) hehe
http://iskoo.net
ISKOOOOOOO,
uyyy maligayang pagbabalik hehehe mejo late na ba ang pagbati ko? Buti naman at napasyal ka uli. Ingats po ikaw.
tamang senti nga yan a.
kaya mo yan
Paetechie,
Salamat po sa pagdalaw...oo tama ka kaya ko ...kinaya ko at kakayanin pa. Pasyal ka uli ha!
HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY
Post a Comment