Ito naman ang Three Exchange Square sa Central. Sa harap nito nagtitipon ang mga domestic helper sa buong araw ng Linggo. Bawat makasakay ko ay may kanya-kanyang bitbit na baon na kanilang pagsasaluhan sa maghapon. Bawat isa ay mayroon kanyang "agenda" sa araw na iyon may nagmamanicure, mayroong tumatawag sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas sa ibat't ibang dialekto., mayroong natutulog at nagbabasa ng mga pocketbook .
Isa ito sa dalwang truck na nagsisilbing tagapagpadala ng kanilang mga "balikbayan boxes" . Dito na din sa lugar na ito nila inaayos ang mga sari-saring laman ng kahon tulad ng mga bed covers, rubber shoes, lotion, shampoo, powder at iba pa. Merong taga-lagay sa kahon, taga-sara at tagalagay ng pangalan kung saan ipapadala pero hindi ko naitanong kung magkano ang singil nila sa ganitong serbisyo.
Magulo at maingay ang lugar halos mapagkakamalan mong nasa Pilipinas ka pero sa ganitong paraan nila nairaraos ang buong araw ng kanilang pahinga upang sa kinabukasan ay may bagong pag-asa na sisimulan para sa kanilang mga mahal sa buhay na umaasa sa kanila. Sa pag ihip ng hangin ng hapon na iyon habang ako ay pauwi muli ko silang nakasabay at sa kaibuturan ng aking puso buong yabang kong naibulong ...Pinoy ako ...saludo ako sa inyo.