Matagal din akong hindi nakapagsulat marami kasi akong iniisip sa mga panahong ito tulad ng sitwasyong pampulitika ng bansa, antas ng pamumuhay sa Pilipinas, lindol, bagyo, tag-gutom, at iba pang uri ng kalamidad. Nakakalungkot isipin na isang araw sa mahabang panahon ng aking buhay ay iiwan ko ang bayang aking sinilangan.
Madaming papel ang dapat asikasuhin nakakatuliro na kung minsan bukod sa oras ko sa trabaho na sa tuwina ay lagi ng puno ang araw ko sa mga dapat kong gawin ay halos ganoon na din kaabala ang aking sabado at linggo. Sa pagdaan ng mga araw parang may bahagi sa puso ko ang nalulungkot dahil maiiwan ko ang mga mahal ko sa buhay, mga kaibigan at mga kasamahan sa opisina sa aking pag-alis. Alam kong marami akong babalik-balikan sa aking alaala tulad ng masasayang, kaarawan, ang mga himig Pasko, ang magkahalong lumbay at init ng tag-araw at ng semana santa, ang maingay na trapik , ang madalas na pag-ulan sa buwan ng pagsisimula ng klase sa mga paaralan....mga alaalang babaunin ko sa aking puso.
Maraming agam-agam ang kinabukasan nakatakda kong harapin. Nangingilid man ang luha at pilit ko mang inaalo ang aking sarili mahina kong naibulong ...KAYA KO ITO!
7 comments:
saan ka pupunta sama mo ako, marami akong ma mi miss sa pinas pero mas marami akong ma mi miss kung di ako aalis ng pinas. hehe
Ay naku wag kang masyadong malungkot kasi mabuti din sa mga kabataan na makita ang mga ibang bansa. Mabuti nga yon pagbalik mo madami kang maiku-kwento at baka mapalawak mo din ang kaisipan ng ating mga bagong kabataan.
iskoo ,
malayo ka ba dito sa pinas?? hmm malay mo magkita tayo dun sa pupuntahan mo hehehe...
eric senor,
ako ? bata??? waaa matanda na po ako isip bata lang pero pramis ..im old enough to be your mother...(canned laughter)
hindi malapit lang, asya din yun, ikaw ba saan pupunta?
hwag matakot mag explore, kung may chance why not grab the opportunity, basta pag-aral mo lang mabuti kung oks talaga. meron mana internet or celfone kaya madali namang makipag-usap sa mga mahal sa buhay na maiiwan mo :0 o kaya isama mo nalang kami, hehe
sir iskoo,
hehehe ganu kalapit?
cruise,
akala ko may celfone di tatawagn mo na lang ako hehehehe..jokeee ...salamat po sa pagdalaw.
Post a Comment