Isa ito sa mga tanawing tinatawag kong "life's simple pleasures" para sa akin ang masilayan ko ang paglubog ng araw .
Malakas na alon habang sakay ng mabilis na fastcraft isang uri ng sasakyang pandagat mula Cebu hanggang Bohol. Malinaw na tubig dagat na nagmistulang parang bula sa mabilis na pagtakbo nito.
Ang Hinagdanan Cave ang nagmistulang tahanan para sa mga nocturnal tulad ng paniki . Isa ito sa mga paboritong destinasyon ng mga turistang Koreano, Amerikano, at iba pa na nakasabay ko dahil nagkaroon pa ng trapik sa pagbaba at pag akyat sa kuwebang ito.
Baclayon Church...ang pinakamagtandang simbahan na itinayo pa noong 1824 , dito din matatagpuan ang pangatlong pinakalumang bamboo pipe organ .
Tarsier ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo . Mabait sya kasi gusto lang nyang tumingin at kumapit sa mga punong tulad nito. Nakakaaliw talaga .
Ang Loboc River ...ito ang pinakamasayang lugar para sa akin. Madami pa din turistang nabighani dito . Sa dulo nito ay matatagpuan mo ang mini waterfalls na nasa ibaba.
Sa lugar ding ito umiikot ang floating restaurant na tumatahak sa kahabaan ng Loboc River . Buffet style ang masaganang tanghalian na inihain sa amin habang ninanamnam namin ang kagandahan ng tanawin at ng mga ulam tulad ng sinugbang isda, pinakbet, seaweed salad, suman, pinya , pakwan at iba pang kakanin.
Ang pinaka sa mga pinaka...ang Chocolate Hills. Wala na siguro akong dapat sabihin sa puntong ito . Sapat na ang larawang ito para masabi mong....ang ganda ng PILIPINAS!!! Sa susunod sana makasama kayo......tara na at biyahe na.
6 comments:
wow ang ganda sa bohol! na cuddle mo ba yung tarsier? kaya pala ang tagal mo di nag-update dahil nag bohol ka pala, nice nice. ang ganda talaga ng pilipinas dahil pwedeng puntahan :)
Hi iskoo,
Uu nahawakan ko kaya kaya lang sandali lang camera shy kasi sya..bigla tumatalon pag mag flash na cameras ..sya ang center of attraction ng mga turista dun hehehe..kakaaliw talaga. Sunod sama ka na ha? hehehehe...salamat sa pagdaan.
Hi Basey!
Bohol ang isa sa mga lugar dito sa Pilipinas na hinahangad kong mapuntahan. Siguro darating din ang araw na iyon.
Ang gaganda ng mga nakuha mong larawin. Siya nga pala, napakahusay mo din magsulat sa Tagalog at nakaka-aliw basahin.
Sige, balik uli ako sa susunod na araw. Salamat din sa pag-bisita mo sa blogsite ko!
Gandang umaga!
Eric aka senor enrique
Eric,
Salamat po sa pagdalaw...mukha na yata akong makata kung sumulat ahh...nakakabaliw na ito...hehehe...ganun pa man..salamat po. Namamasko po!Ay mali di pa pala pasko..di bale advance na din po. Ingats.
Baseyyyy!! ASan picpic mo na naka batisyut ka???
fionaaaaaa sis,
hehehe wala po gusto mo bang lumipat ang chocolate hills sa Mindanao...hehehehe...
Post a Comment