Mixed emotions, unexplained thoughts, blissful memories, rants, angst and rages, heavenly feeling..all these and more as we pass this thing we call LIFE!!!
Tuesday, September 20, 2011
Appraisal
Nagsimula na ang work appraisal di ko talaga maintindihan kung bakit sa ganitong panahon ginagawa ng opisina ang appraisal. Sa pagkakaalam ko appraisal is an evaluation of performance or work done sa isang prescribed na panahon at sa kaso ko ay sa taong 2010. E anong petsa na ba?? Aba eh its almost the last quarter of the year at di ba nga ber months na ibig sabihin malapit na ang pasko...aba eh parang ang tagal naman yata ng proseso na yan o di kaya delaying tactic lang ng kumpanya para maiwasan ang panibagong gastos tinatawag kong salary increase..haaays di talaga makatarungan ito...hanggang kelan ba ako tatagl sa ganitong uri ng di makataong pagtrato sa uring manggagawa...hanggang kelan kaya??
Thursday, September 15, 2011
Tapang
Matagal-tagal na din mula noong huli kong post mga buwan ng Hulyo iyon dahil nung buwan ding iyon ng matagpuan ko ang tapang ko sa pamamagitan ng mga kaDiskarte ko. Matapos ng buwan na iyon eh dumagsa ang mga tawag na simula't siimula pa lang ay alam kong dadating kung noong una ay may takot ako ngayon ay buong tapang ko ng sinasagot at hinaharap ang mga bantang nakaabang sa akin saan man ako pumunta . Salamat Diskarte sa lahat ng suporta at aral na ibinahagi ninyong lahat .
Sunday, July 17, 2011
KARAPATAN
Nitong mga nagdaan araw may nagrekomenda ng isang link sakin tungkol sa mga taong tinatawag nilang "defaulters" o mga taong gumagamit dati ng plastic money ngunit dumating ang point na hindi na makabayad at sangdamakmak na mga collecting agents ang pumepeste araw-araw. Subukan nyong magbasa-basa para malaman din ninyo ang karapatan ninyo, o natin bilang mga defaulters. Eto po ang link at sana ay makatulong din sa inyo tulad ng napalaking bagay na malaman ang mga bagay-nagay na di pa natin alam tungkol dito.
http://failuretopaycreditcard.blogspot.com/
http://failuretopaycreditcard.blogspot.com/
Tuesday, June 07, 2011
Bagong Laban
Haaay sobrang init ba kaya ito o dahil lang sa tindi ng bigat ng katawan ko??? Nagsimula ako makaramdam ng pananakit ng dibdib pagkatapos naging maikli at mabilis ang paghinga ko . Niasip ko ito na ba ang katapusan ko??? Kailangan ko na talagang seryosohin ang nasimulan ko noon ...kailangan ko pumayat . Masakit man tanggapin nasa stage na ako ng Obese II at sa ganitong level eh dumadating na ang mga akaramdamang kaakibat ng pagiging mabigat ...kailangan ko na panindigan ko ito ..kailangan ko ng gawin ang alam kong kaya kong gawin at nagawa ko na dati....sana di pa huli ang lahat para sa akin.
Sunday, May 08, 2011
Pacman
Masaya ang araw na ito bukod sa ito ay isang espesyal na ara para sa lahat ng ating mga ina isang malaking kaganapan muli ang inabangan ng buong mundo...Pacman vs. Mosley. Pacman wins by unanimous decision...at tulad ng dati muli na naman akong nakaramdam ng pagmamalaki dahil Pilipino ako at si PACMAN ay isa ring Pilipino na muling nagbigay ng karanagalan sa bansa at muling kinilala sa buong mundo bilang isang mahusay na manlalaro sa larangan ng boxing....proud to be Filipino....and Filipinos are proud of Pacman!
Thursday, April 28, 2011
Ang init!!!
Grabe ang init nitong mga nagdaang araw....kahit nakaupo ako eh tumatagaktak ang pawis ko ....kaya eto may sakit na naman ako...haaaysss...for almost a week na ang mala-trangkaso kong pakiramdam sana lang matapos na ito kasi di na kaya ng powers ko...naisip ko lang bakit kaya may mga tao na nagtatanong kung ok ka lang kahit obviously nakikita nila na hindi ??? Manhid ba sila or nagbubulag-bulagan o sadyang ganun sila ka plastik at wala sila masabi kaya kahit na walang katuturan eh magsasalita sila for the sake na may sabi lang ...haaayyy minsan di ko na alam kung kaaawaan ko ang mga taong ganito. Ingat ka malay mo isa sa kanila ay katabi mo o di kaya isa sa mga tinatawag mong kaibigan.
Sunday, April 24, 2011
Pasko ng Pagkabuhay
Halos isang taon din ako nawala at ngayong Pasko ng Pagkabuhay muli akong nagbabalik upang harapin ang mga bagong hamon ng buhay..katulad ng paglisan ng akiong mahal na Ina. Tatlong buwan mula ngayon halos isang taon na ding pumanaw ang aking ina. Masakit at makirot ang sugat na iniwan ng kabanata na iyon sa buhay ko . Pagkatapos ng lahat, muli akong haharap sa mga panibagong hamon na dala ng tadhana ang buong misteryong itong kung tawagin natin ay BUHAY.
Nawa ay maging malakas at matapang tayong harapin ang mga darating na kabanata sa ating buhay.
Nawa ay maging malakas at matapang tayong harapin ang mga darating na kabanata sa ating buhay.
Subscribe to:
Posts (Atom)