Sunday, April 15, 2007

Tahimik



Ang katahimikan sa kahabaan ng kalsadang ito ang isa sa mga bagay na nais kong balik-balikan. Mula rito tanaw pa din ang Mayon . Sa mga panahon ng aking kamusmusan dito ko inaabangan ang pagdaan ng mamang nagtitinda ng tinapay na nakasakay sa bisikleta tuwing umaga, ang pagtunog ng batingting ng "ice drop" sa panahon ng tag-init, ang pagbibilad ng bagong ani na palay sa ilalim ng sikat ng araw.....masaya , tahimik at makulay.

2 comments:

Iskoo said...

kung meron lang akong sapat na pondo para makapag tayo ng kabuhayan ay pipiliin ko manirahan sa lugar na ganyan, tahimik at simpleng buhay, may magandang tanawin.

http://iskoo.net

fionski said...

Ganda naman ng litrato dito. Ang tahimik sa probinsya noh? Promdi rin kse ako.