Monday, October 30, 2006

Bohol...I LOVE!!!!

Haaaayyyyyyy...ang saya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makapagbakasyon sa isa sa mga tinuturing na "tourist spot" sa Pilipinas...BOHOL. Nakakatuwa dahil sa pagtungo ko doon madami akong nakasabay na m ga turista na nagpapatunay na sadyang maganda ang ating bansa. Nais kong ibahagi sa iyo ang ilan sa mga magagandang tanawin na bumihag sa akin.






Isa ito sa mga tanawing tinatawag kong "life's simple pleasures" para sa akin ang masilayan ko ang paglubog ng araw .






Malakas na alon habang sakay ng mabilis na fastcraft isang uri ng sasakyang pandagat mula Cebu hanggang Bohol. Malinaw na tubig dagat na nagmistulang parang bula sa mabilis na pagtakbo nito.



Ang Hinagdanan Cave ang nagmistulang tahanan para sa mga nocturnal tulad ng paniki . Isa ito sa mga paboritong destinasyon ng mga turistang Koreano, Amerikano, at iba pa na nakasabay ko dahil nagkaroon pa ng trapik sa pagbaba at pag akyat sa kuwebang ito.




Baclayon Church...ang pinakamagtandang simbahan na itinayo pa noong 1824 , dito din matatagpuan ang pangatlong pinakalumang bamboo pipe organ .





Tarsier ang pinakamaliit na unggoy sa buong mundo . Mabait sya kasi gusto lang nyang tumingin at kumapit sa mga punong tulad nito. Nakakaaliw talaga .




Ang Loboc River ...ito ang pinakamasayang lugar para sa akin. Madami pa din turistang nabighani dito . Sa dulo nito ay matatagpuan mo ang mini waterfalls na nasa ibaba.





Sa lugar ding ito umiikot ang floating restaurant na tumatahak sa kahabaan ng Loboc River . Buffet style ang masaganang tanghalian na inihain sa amin habang ninanamnam namin ang kagandahan ng tanawin at ng mga ulam tulad ng sinugbang isda, pinakbet, seaweed salad, suman, pinya , pakwan at iba pang kakanin.

Ang pinaka sa mga pinaka...ang Chocolate Hills. Wala na siguro akong dapat sabihin sa puntong ito . Sapat na ang larawang ito para masabi mong....ang ganda ng PILIPINAS!!! Sa susunod sana makasama kayo......tara na at biyahe na.



























































































































Monday, October 16, 2006

To DVD or Not to DVD

" Haaayy weekend , ano kaya ang magandang panoorin sa DVD?

Ito ang karaniwang naririnig ko sa mga kasama ko sa opisina. Alam kong hindi lang sila ang may ganitong mga dialog pag sumasapit na ang weekend or ang isang mahabang bakasyon . Ako ay minsang napadpad sa sa isang lugar sa Quiapo kung saan ang talamak na bentahan ng mga piratang Digital Video Disc (DVD) ay mistulang mga kabute na tabi-tabi ang stall sa lugar na iyon . Halos karamihan t sa mga ito ay mga negoyasteng kapatid natin na nagmula sa Mindanao na pilit na naghahanap ng mas magandang kabuhayan sa Maynila kaysa sa manatili sa kanilang lugar na karamihan ay nasira na dahil sa mga aksyong militar na naganap noong mga nakaraang buwan. Namangha ako sa aking nakita dahil kahit saang sulok ako tumingin ay mayroon nagbebenta nito wika nga nila ay "take your pick ".

Alam kong hindi makakatulong ito sa ekonomiya at lalo na sa industriya ng pelikula pero masasawata ba ng tuluyan ang ganitong uri ng kabuhayan lalo na at ito lamang ang alam nilang pwedeng gawin na sa palagay nila ay marangal naman kaysa sa ang maging magnanakaw o di kaya ay maging holdaper. Sa aking palagay hindi ko sila masisi dahil tulad ng bawat isa sa atin mayroon din silang mga pamilya na umaasa sa kanila, na kapag hindi sila kumayod at nagtrabaho ay tiyak na gutom ang aabutin . Aba ay sa tototo lang isa ako sa mga parukyano na tumatangkilik sa mga DVD nila. Dati kasi wala pa nito e at saka hindi ko pa alam ang pasiokot-sikot sa Quiapo na sinsadya ng karamihan para bumili ng mga piratang pelikula. Sa halagan ochenta pesos aba ay kumpleto na ang mga tagalog na love story na naipalabas na sa sinehan , DVD copy na ika nga. Kailangan mo lang ng isang mapanuring mata upang mahusgahan ang kalidad ng mabibiling mga kopya dahil madalas ay sira ang pelikula sa bandang huli, yung tipong bigla na lang magkakaroon ng mga square , hindi mo na makukuha pang magreklamo sa lagay na yon dahil mura mo naman itong nabili.

Ganun pa man patuloy pa din akong bumabalik at sinusuyod ko ang mga kabuteng tindahan doon upang hanapin amg mga pelikulang hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mapanood sa "big screen" . Halukay dito at halukay doon ( hehehehe!) buti na lamang di nagagalit si ate at si manong dahil "suki" ako e. Para sa isang adik sa pelikulang tulad ko pakiramdam ko ay nasa langit ako pag andun ako huwag lang akong masalisihan ng mga mabilis ang kamay (minsan na akong nadale dito kaya ingat po!) sa lugar na yon . Payong kapatid lang kung di ka sanay magpunta sa ganoong lugar ay huwag mo ng subukan dahil baka luhaan kang uuwi sa inyo

Ikaw sa palagay mo, to DVD or not to DVD?










Wednesday, October 04, 2006

The Basics of Cash Flow

Nais kong ibahagi sa inyo ang isang liham mula sa isang kaibigan actually forwarded messages na ito pero sa aking opinyon e dapat kong i-post dito at umaasa akong kahit paano ay makatulong ..ika nga e something for you to think about. Read on...

BASIC: What pattern do you see if youwill get a P100.00 bill and monitor where and how it is transferred from 1 possessor to the other? How does it flow?

The pattern for a typical Pinoy is. You earn from your work, you spend it on food, gadgets, clothing and other basic needs before you reach the next payday, paubos na yung pera mo but that's ok payday is just a few days ahead and it doesn't matter if I run out of money, I am expecting money again any time soon. This cycle goes on and on and you make some sidelines or create other ways to earn but it seems that money was never enough though i am tempted to explain further pero usapan... basics lang. So you can't leave the job that you have because a week without work would affect the cash flow you have to support your family and needs. As much as you wanted to accept another job, the gap would make your pay less for a couple of days, which makes you a slave to your boss. The rationale is at least, you have a job to support your basic needs.

ILLUSTRAION: Cash is flowing inside your pocket. Years have gone by doing your monotonous routine. Question... what if you get fired? Or you were forced to retire because there are new and younger people ready to take your place. What would you do? As an OFW, Makati Executive, Top Salesman, Engineer, Attorney, Teacher, etc... What if it all ends? The sweet cash that enters your pocket every 15 th and 30th suddenly comes to a halt. There are two things you can buy with your money.

DESCRIPTION: An asset and a liability. To describe each... An asset brings money inside your pocket; a liability takes money out of your pocket . Another way to see, it is that an asset if you buy one, will bring the money you spent for it back to you 2 or 3 folds. A liability, when you buy it will not give your money back at all. Sa ilocano: idjay ti kwa... djak maawatan! (joke lang po, seryoso na kayo> eh...) Sa madaling salita, kapag asset, maibabalik ang pera... pag liability, goodbye sa pera. Ang problema kay JUAN DE LA CRUZ, habang may trabaho ipon ng ipon at bili ng bili ng liability! I have seen OFWs get back to the country with gold chains at kung pwede lang> limang shades ang isuot ng sabay-sabay gagawin nya eh... dvd, component,> jackets, clothes, inuman, pulutan, party, pabango... hindi na makalakad sa dami ng bitbit. At s'yempre mga empleyado natin dito sa bansa na lingo-lingo bago cell phone at mags ng kotse.. hindi na nga magkasya ang damit sa aparador, tapos pag umaga sasabihin... wala na akong maisuot. Guys, esep-esep... what you bought... will it bring money back to you? I know what you have in mind... you have to enjoy what you worked hard for. That's right, but think of something that will last... think of your future. I have seen the worst of people who were abogado de kampanilya, executive secretaries of top rank business men, people who worked for big companies, earned a fortune and got a big retirement pay by the millions... Now... Wala na. Why? Because of their cash flow... went in... went out. I need not to mention basketball players, actors, singers, etc... Check what is their career path... next after acting, singing and playing... POLITICS. Kasi, 'yung million na kinita nila, puro liability ang binili. Going back... all the liability they bought, ibinenta ng mura! I'm wearing agold chain now, which I got from a seaman... he bought it for P35,000 and sold it for 8,000 to me. Hindi po asset ang alahas! Bakit? Totoo na tumataas ang value n'ya pero kapag gutom ka na, kahit palugi ibebenta mo! (wala bang aaray?) Cell phones... dvd players etc. pati bahay at kotse... that's the cash flow of most OFWs. The question is... "WHAT IF THE INCOME STOPS?" Sa Pinoy, ganito: anak... mag-aral kang maigi, at pag tanda namin... ikaw na> bahala sa amin ha?. Hindi po ba maling-mali. You have to establish something today that will take care of your future. Teka, teka... eh ano ang dapat gawin para hindi mangyari yan? You must create a source of income that will continually make money flow inside your pocket. Start a business! While you are working as an executive or an OFW, or a professional... START A BUSINESS and MASTER that business till you get out of that company. Para kapag tumigil ang income mo sa kanila... may susuporta pa din sa iyo hanggang pag-tanda mo! Now don't tell me to invest my money on pensions and plans... NO WAY! Narinig n'yo na siguro yung... Naku ayaw ko na magbanggit! 'yung mga nagbayad at hindi nakapag-claim... sila pa ang dinimanda at nag-piyansa!!! HUWAG MO I-ASA ANGPAGTANDA MO SA IBA! GUMAWA KA NG SARILI MONG BALON NG PERA! KAHIT MALIIT PA 'YAN, SARILI MO AT HINDI KA AASA SA IBANG TAO! Imagine yourself when you reach an older age... (aruy ko,,, baka yung iba sa> inyo about that age... tabi tabi po... Ako po sa mga nagtatanong... I'm 37 years old. Naabutan ko pa si Michael Jackson at hinele po ako ng nanay ko sa mga kanta ng hagibis!). You have money that the company gave you as your retirement pay... what will you do? You can consume the money till your old... eh kung hindi umabot? Masamang damo ka pala... at hindi ka kaagad kinuha ni Lord. Eh pang age 65 lang yung naipon mo na budget. Or maybe, you can start a business and use the money for capital... Kapatid... 9 out of 10 businesses, FAILED! yung isang magsa-succeed, gagayahin pa ng kapitbahay mo instead na mag-franchise sa 'yo... think! At age 50, you are struggling trying to make a business work! What if it fails?! Eh ano nga ba ang sagot? The answer is, stop buying liabilities and instead buy assets now. I don't care if it is a banana-Q store, balot, ice candy or a sari-sari store, etc... start now! Because, your experience here will teach you what to do in the future. It's so hard to struggle in business when you are 60 yrs old. You have to create a source of income separated from the source of income from your work. That when the time comes that you have to stop working, you will have your own source of money! Create assets, start a business that will be there to support you and your family. I AM NOT TELLING YOU TO QUIT YOUR JOB! I'm telling you to start a business while you're working and stop spending your money on liabilities and start putting them on assets! Ang pera kapag pinambili mo ng LIABILITY... hindi na babalik! ang ASSET... BABALIK. Teka... masama ba bumili ng mga magagandang gamit? Hindi! Siguraduhin mo lang na> ang pambili mo nun ay galing sa asset mo. The business has to be prioritized!Mawalan ka man ng trabaho, may negosyo kang palalaguin. If before, nabubuhay ka naman ng iisa sapatos mo, huwag mo baguhin 'yun... dati,nagdyi-jeep ka lang... 'wag ka na munang mag-FX. Create assets and lessen liabilities. Invest and learn now... mag-negosyo! Eh anong negosyo? Any, as long as you think it is work and doable! I am still looking for partners for my HOME MASSAGE SERVICE! SPA MAGIC! And my business CAR MAGIC is still franchising... (joke lang... baka sabihin nyo nag pro-promote lang ako eh... But I AM PROUD TO SAY THAT ALL MY BUSINESSES ARE ORIGINAL AND ALL ARE GRAND ASSETS! I started all my businesses with a very small capital. If I used that money to buy a gadget, new shoes or any liability... baka wala lahat ng negosyo ko at> wala na akong makain ngayon. Again, I hope that this BASIC CASH FLOW article helps... I wish all of us become financially free!

FROM UNKNOWN AUTHOR