Friday, September 15, 2006

Alimango, Talong at Iba pa!!!

Ewan ko ba ngayong araw na ito ay mabigat ang katawan ko..naisip ko hindi kaya nasobrahan na ako sa kakatrabaho?? Hmm ...matagal na naman akong ganun e multi-tasking as in super sa over na hehehehe. So naisip ko kailangan kong mag relax ngayon ...paano at anu kaya ang gagawin ko? Naku marami , nag-iisip pa lang ako e di na kasya sa isip ko mga dapat kong gawin ngayong araw na ito...teka ibahain ko na lang muna para hindi muna ako mapagod...eto muna ang iiisipin ko ....

Fresh talong ito galing sa probinsya mukhang masarap ..di ba? Madalang kasi ang ganitong "bilog" na talong sa Maynila...kaya nakaka-aliw kapag nakakakita ako ng ganito. Anu kaya ang magandang "partner" nito? Hmmmm..

Wow..ito na un...ang "partner" bow hehehehe! Masarap ito..gawa ito sa hipon , merong luya, at mantakin mo kanin? Opo kanin as in "rice" ...buro style..sarap! Tikman nyo!!

Ito kaya? Sugpo..masarap din ito di ba?? Anung luto kaya ???Hmmm...isipin ko pa !!!

Mind you...ngayon ko lang nalaman na meron palang "bakla" na alimango..hmmm ..meron kaya syang malantik na sipit? hehehehe...wild di ba??

Mukhang madami na ito para pag isipan ko kung anung gagawin ko ....kelangan ko na lang ang aking pagka malikhain para may magawa akong kakaiba ngayong araw na ito. Sana kayo din!

9 comments:

Mmy-Lei said...

wow sarap ng mga yan ah, ano kaya lasa ng baklang alimango, kakaiba kaya... hehehe

mga talong dito bilog, masarap i-prito.

abet said...

hi mmy-lei,

uu sarap nga po..musta ka na po?? di na tayo nag YM ahhh hehehe...salamat po sa pgdalaw mo sana balik ka po!!!

Anonymous said...

wow nagutom ako sa mga pinakita mo kahit on diet ako mamaya pupunta ako sa palengke at mag fo food trip. ngayon alam ko na rin na may bading na alimango, ayaw ko nun! hahaha

Iskoo said...

mukhang fresh na fresh yung talong, masarap sigurong i torta sa itlog yan, o kaya nilaga tapos sawsaw sa barrio fiesta na baggong na may suka. yumyumyum

abet said...

elow cruise,

salamat naman na appreciate mo..tara kain na tayo hehehe!!!Salamat sa pagdalaw.

abet said...

iskoo sir,

hehehe opo...tara pagsaluhan natin at salamat din sa pagdalaw!

Anonymous said...

Uy alam ko yung hipon na may kanin, balo-balo(balaw-balaw) tawag diyan di ba? kapampangan kasi ako kaya natakam ako dun. Ansarap din nung alimango,gusto ko yung bakla kasi mas mataba yun di ba? mas mahal nga lang.

abet said...

Hi Ronald,

hehehe salamat sa pagdalaw mo...sa wakas naligaw ka din hehehe..yup balaw-balaw nga hehehe ..masarap talaga super...tara kain tayo!!!

Anonymous said...

Una kong narinig yang baklang alimango sa mother in law ko, akala ko nagbibiro lang meron nga pala nun..hehehe.

Masarap sana yang balaw-balaw kaya lang ako lang kumakain, ayaw nilang kainin.