Friday, September 15, 2006

Alimango, Talong at Iba pa!!!

Ewan ko ba ngayong araw na ito ay mabigat ang katawan ko..naisip ko hindi kaya nasobrahan na ako sa kakatrabaho?? Hmm ...matagal na naman akong ganun e multi-tasking as in super sa over na hehehehe. So naisip ko kailangan kong mag relax ngayon ...paano at anu kaya ang gagawin ko? Naku marami , nag-iisip pa lang ako e di na kasya sa isip ko mga dapat kong gawin ngayong araw na ito...teka ibahain ko na lang muna para hindi muna ako mapagod...eto muna ang iiisipin ko ....

Fresh talong ito galing sa probinsya mukhang masarap ..di ba? Madalang kasi ang ganitong "bilog" na talong sa Maynila...kaya nakaka-aliw kapag nakakakita ako ng ganito. Anu kaya ang magandang "partner" nito? Hmmmm..

Wow..ito na un...ang "partner" bow hehehehe! Masarap ito..gawa ito sa hipon , merong luya, at mantakin mo kanin? Opo kanin as in "rice" ...buro style..sarap! Tikman nyo!!

Ito kaya? Sugpo..masarap din ito di ba?? Anung luto kaya ???Hmmm...isipin ko pa !!!

Mind you...ngayon ko lang nalaman na meron palang "bakla" na alimango..hmmm ..meron kaya syang malantik na sipit? hehehehe...wild di ba??

Mukhang madami na ito para pag isipan ko kung anung gagawin ko ....kelangan ko na lang ang aking pagka malikhain para may magawa akong kakaiba ngayong araw na ito. Sana kayo din!

Wednesday, September 13, 2006

"BER" na!!!

Simula na ang mga buwan na nagtatapos sa "BER"....sabi nila kapag dumadating na ang ganitong panahon nagiging masaya na ang "mood" ng mga tao...malapit na kasi ang Pasko. Amoy pinipig na nga daw sabi ng lola ko nung nabubuhay pa siya.

Kay bilis ng panahon...parang kailan lang ay bagong taon ngayon ay palapit na ang Pasko. Tulad din ng buhay ng mga tao mabilis na lumilipas kung noon ay malusog at maliksi ang mga kilos natin ...mga ilang panahon pa ay unti-unting babagal at makaramdam na tayo ng pagkapagod pero sa kabila nito ay tuloy pa din ang daloy ng buhay. Maraming dalang masayang alaala ang mga "BER" sa ating buhay ... isang dahilan ito para ngumiti ka kapag nalulungkot ka o di kaya ay kapag napapagod ka na at gusto mong magpahinga...tulad ng ginagawa ko ngayon. Hayaan ninyong isa ako sa mga unang babati sa inyo ng isang Maligayang Pasko!!!

Masyado bang maaga? Palagay ko ay hindi kasi para sa akin araw-araw ay Pasko.... sa puso ko.